top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

NAZARETH, DINALE ANG UPIS SA UAAP JUNIORS BASKETBALL

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2019
2 min read

GALING sa isang la­rong suspensiyon, nagbawi sa kanyang pagbalik si Terrence Fortea kahapon ng pangunahan nito ang Na­zareth School of National University sa 106-55 na pag­gapi sa University of the Phi­lippines-Integrated School kahapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 81 Juniors Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center.

Umiskor si Fortea na na­patawan ng one-game sus­pension dahil sa kanyang dis­qualifying foul kay Ranz Unisa ng De La Salle Zobel ng 23 puntos sa loob lamang ng 16 na minuto na kanyang inilaro kontra Junior Ma­roons.

Bumato si Fortea ng 6 sa kabuuang 11 triples ng kani­lang koponan upang tulu­ngan itong itaas sa top spot taglay ang 12-1panalo-ta­long baraha.

Kahit nakatitiyak na sa top spot, paghahandaan pa rin nila ayon kay coach Gold­win Monteverde ang huling laro sa eliminations kontra FEU-Diliman. “We still have to be ready for the semis. After ng dalawang rounds, mas importante pa rin yung latter part of the season.” Para sa Junior Ma­roons na nalaglag sa kaba­ligtarang markang 1-12, na­nguna ang graduating na si King Ver­geire na may 16 puntos.

Sa iba pang laro, nagsa­nib-puwersa sina Mark Nonoy at Bismarck Lina upang pamunuan ang UST katulong ang mga endgame heroes na sina Liam Mana­bat at Jomar Amador sa pag­sorpresa nila sa FEU-Dili­man, 86-83.

Tumapos si Nonoy na may 24 puntos, 10 re­bounds, 6 as­sists, 3 steals, at 2 blocks habang naitala ni Lina ang pinakamatinding perfor­mance ngayong season sa ipinoste nitong 22-puntos at 18 rebounds upang iangat sa markang 6-7 ang out of con­tention ng Tiger Cubs.

Tabla ang iskor sa 83-all may 19 na segundo na la­mang natitira sa laban nang mag drive si Nonoy at ipi­nasa ang bola kay Manabat na ibinigay ang bola kay Amador na kumana ng open baseline jumper para sa 85-83 kalamangan ng Tiger Cubs.

Tumawag ng timeout ang Baby Tamaraws upang mag set ng play para kay Royce Alforque na natapik naman ni Manabat. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page