NAMBATAC AT BELGA, LODI SA E-PAINTERS KONTRA ACES


HINABLOT ng Rain or Shine Elasto Painters ang two-game winning streak matapos nilang pagulungin ang Alaska Aces, 85-72 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagkapit-bisig ang Elasto Painters kung saan 13 sa kanila ang umiskor upang ilista ang 4-1 card at patibayin ang kapit sa No. 2 spot ng team standings.
Nagtala si Rey Nambatac ng 12 marker habang kumayod si Beau Belga ng 11 points, anim na rebounds at limang assists para pamunuan ang 11 pang teammates nila na naka-puntos. Bumakas din si Raymond Almazan ng 10 pts. habang tig-siyam at walong puntos ang kinana nina two-time Most Valuable Player, (MVP) James Yap at Maverick Ahanmisi
Maagang nagpakitang-gilas ang Rain or Shine matapos nilang hawakan ang 18-point lead, 48-30 sa unang dalawang quarters.
Dahil sa laki ng lamang ng E-Painters sa halftime, kahit hinarurot sila ng Aces sa third quarter at nasa unahan pa rin sila papasok ng fourth quarter. Sinabayan na lang ng RoS sa opensa ang Aces sa payoff period upang makuha ang importanteng panalo. Unang laro pa lang ng Alaska ngayong conference. Namuno sa opensa para sa Aces si Jeron Teng matapos ilista ang 15 markers at anim na boards. (ATD)





Comments