top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MIGHTY SPORTS, PUMOSISYON SA Q’FINALS NG DUBAI STINT

Alvin Olivar
Feb 4, 2019
1 min read

NAKAPASOK na sa quarterfinals ng Dubai International Basketball Tournament ang Mighty Sports pagkaraang talunin ang United Arab Emirates, 86-78, noong Sabado sa Shabab Al Ahli Club sa Dubai.

Nagtala ng 20 points si Randolph Morris habang 18 points ang dinagdag ni Justin Brownlee upang dalhin ang kanilang koponan sa panalo. Nagtipa rin ng 18 points si Roosevelt Adams upang tumulong sa dalawang import ng Mighty Sports.

Dahil sa resulta ay naidoble na ng Mighty Sports ang kanilang panalo noong 2017 kung saan isang beses lang sila nanaig sa kompetisyon. Ngunit hindi ikinagalak ni Mighty Sports coach Charles Tiu ang naging panalo ng koponan. Umabot na sa 20 ang kalamangan ng Mighty Sports ngunit bumaba pa ito sa siyam bago umiskor ng isang dunk si Brownlee upang maiselyo ang panalo. “They gave us a tough test. I’m not happy with how the game turned out. If we play this way in the next few games, we’re going to lose. We’re not going to make it past the quarterfinals,” wika ni Tiu sa panayam ng SPIN.ph mula sa Dubai.

Nauna nang nanaig ang Mighty Sports kontra sa American University in Dubai, 87-58, upang manalo sa kanilang unang laro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page