top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lalaki dedo sa motor

  • Paul Lamsen
  • Feb 4, 2019
  • 1 min read

ISANG estudyante ang nasawi makaraang sumalpok ang kanyang motorsiklo sa isa ring motor, kamakalawa ng madaling-araw sa Bgy. Aqdao, San Carlos City, Pangasinan.

Kinilala ang nasawi na si Carlo de Vera, 19, binata, naninirahan sa nabanggit na lugar. Ang drayber ng kasalubong na motorsiklo ay nakilalang si Angelo Colguera, nasa malubhang kalagayan na ginagamot ngayon sa ospital.

Ayon sa nakalap na imbestigasyon, ala-1:00 ng madaling-araw, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo patungong bayan nang sumalpok ito sa kasalubong ding motor.

Sa lakas ng salpukan, kapwa sila tumalipon na sanhi ng pagkamatay ni De Vera.

Nabatid na tuwing nakakainom ang biktima ay kinaugalian na nitong nagpapaalam sa magulang na kakain ng lugaw sa bayan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page