Indonesia, niyanig ng magnitude 6.1
- Jersey Sanchez
- Feb 4, 2019
- 1 min read
MAGNITUDE 6.1 na lindol ang yumanig sa Indonesia, kamakalawa ng hapon (local time).
Batay sa ulat ng U.S. Geological Survey (USGS), ang pagyanig ay may lalim na 10 kilometro habang naitala ang episentro nito sa layong 100 kilometro silangan ng Tuapejat at 200 kilometro sa timog, bahagi ng major port city ng Padang sa isla ng Mentawai.
Bagama’t, malakas ang pagyanig, hindi naglabas ng tsunami warning ang mga awtoridad.
Gayunman, patuloy pang inaalam ng awtoridad ang laki ng pinsalang natamo ng kabahayan at imprastruktura mula sa pagyanig.
Matatandaang, 2010 nang makaranas ng malakas na pagyanig ang isla ng Mentawai kung saan sinundan ito ng tsunami. Samantala, umabot sa 400 katao ang nasawi noong Disyembre ng nakaraang taon dahil sa tsunami matapos ang lindol sa mga isla ng Java at Sumatra na malapit sa Sunda Strait.





Comments