top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | PEBRERO 04, 2019 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 4, 2019 (Lunes): Totoong masuwerte ka, kaya ma­rami ang sinusuwerte nang dahil sa iyo. Pero, ang payo ng langit ay unahin mo ang iyong sarili, bago ang iba.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mo nang ipilit ang tapos na. Mas maganda kung mag­sisimula kang muli sa ba­gong bagay. Ito ang ta­mang paraan para sa pag­babago ng iyong kapa­laran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-29-30-31-38-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang patata­ngay sa ka­gus­tuhan ng iba nang dahil lang sa sobrang ma­lapit kayo sa isa’t isa. Ma­nindigan ka at siya ang dapat sumunod sa kung ano ang gusto mo. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-12-15-24-36-40.

GEMINI (May 21- June 20) - Pala­ging may nakaha­rang sa landas ng buhay na tinatahak ng indibidwal, kaya hindi malaking problema para sa iyo ang mga pagsubok na iyong makahaharap. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-1-16-20-21-27-32.

CANCER (June 21- July 22) - Hawa­kan mo ang iyong dam­da­min. Hindi ngayon ang tamang panahon para ilabas mo ang mga saloo­bin mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-29-30-33-38-42-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mang­yayari ang gus­to mo ngayon dahil ang mangyayari ay kung ano ang dapat na mangyari. Ang kagustu­han, aminin mo man o hin­di ay pansarili lamang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-12-22-26-31-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung saan ka mahihirapan, ‘yun ang pili­in mo. Mahirap mauna­waan ang buhay sa mundo. Sa ngayon, kung saan ka mahihirapan, nandu’n ang mga suwerte mo. Ma­su­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-13-15-24-33-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapala­ran mo nga­yon dahil kung sino ang hindi mo makasundo, siya pa ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Ito ay mang­yayari nang hindi sina­sadya. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-9-15-16-25-39-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi pa­ramihan ng kilos ang pa­ra­an para umasenso. Ang kailangan lang ay tutu­kan mo ang iyong nag-iisang pangarap. Kaya mamili ka ng isa sa mga gusto mong gawin sa iyong buhay. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-4-17-28-35-42-43.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mong malutas nang kusa ang iyong mga problema. Lu­milipas lahat ng bagay sa mundo, batas ito ng ka­li­kasan na hindi puwedeng hadlangan ninuman. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-15-20-29-31-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makiuso ka! Iwan mo muna ang mga makalumang paniniwala. Kung hindi mo ito iiwa­nan, mahihirapan kang tang­gapin ang katotoha­nan. Sa maniwala ka o hindi, ikaw ay maiiwanan ng panahon. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-22-28-30-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang manga­has na kaya mo ang bagay na hindi kaya ng iba. Kung gusto mo itong kayanin, pag-aralan mo muna kung pa­ano nabigo ang mga nau­nang sumubok dito. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-18-21-29-31-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kitang-kita ang puwede mong maku­hang mga suwerte sa bu­hay, pero may kalaliman ang mga ito, kaya ihanda mo ang iyong sarili nang sa gayun ay hindi ka mahi­rapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-20-28-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page