Hirit sa kongreso: National Senior Citizen Commission

LIBRENG gamot sa lahat, sapat at murang pagkain, drug and crime free Philippines, gayundin ang affordable housing at pagtaas ng suweldo ng mga teacher at nurse ang ilan sa nais ni Pangulo Rodrigo Duterte na tutukan at aprubahan ng Lehislatura sa pamamagitan ng dati niyang assistant na si ‘Bong’ Go.
Nais umano ng pangulo na may malapit siyang kaalyado sa Senado na makapagpasa ng batas na isusulong ang nasabing mga programa.
Prayoridad din ni Pangulong Duterte ang pagtatatag ng Department of OFW at National Senior Citizen Commission para tumulong sa mga Pinoy na makararanas ng problema sa ibang bansa at bigyan ng libreng maintenance medicines ang mga nakatatanda.





Comments