top of page
SPECIAL - HEART, HIWALAY NA RAW KAY SEN. CHIZ, TAMEME_FB Heart Evangelista.jpeg

Due process bago mapatawan ng parusa ang akusado ng bullying incident

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 4, 2019
  • 2 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Nais kong malaman ang proseso sa paaralan bago sila magpataw ng kaparusahan sa naakusahang estudyante kaug­nay sa insidente ng bullying. — Wardell

Dear Wardell,

Para sa inyong kaalaman, ang Section 10 (B) (g), Rule VI ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 10627 o ang “Anti-Bullying Act of 2013” ang batas na naaangkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa nabanggit na panuntunan:

“B. Procedures.

xxx.

g. Due Process

In all cases where a penalty is imposed on the bully or offending student, the following minimum requirements of due process shall be complied with:

a) The student and the parents or guardians shall be informed of the complaint in writing;

b) The student shall be given the opportunity to answer the complaint in writing, with the assistance of the parents or guardian;

c) The decision of the school head shall be in writing, stating the facts and the reasons for the decision; and

d) The decision of the school head may be appealed to the Division Office, as provided in existing rules of the Department.”

Base sa nabanggit na panuntunan, sa lahat ng pagkakataong ang estudyanteng naakusahan ng bullying na maaaring mabigyan ng karampatang parusa, kinakailangang siya at ang kanyang mga magulang ay mabigyan ng kopya ng naipasulat na reklamo tungkol sa alegasyon laban sa kanya. Nararapat din siyang mabigyan ng oportunidad o pagkakataong sagutin ang mga paratang laban sa kanya sa tulong ng kanyang mga magulang o guardian. Gayundin, para sa desisyon ng paaralan tungkol dito, nararapat na mabanggit ang mga pangyayari at rason kung paano nakarating ang konseho ng paaralan sa partikular na desisyong siya ring kinakailangang nasusulat. Sa kabila nito, ang desisyon ng paaralan ay maaari pa ring iapela sa division office ng Kagawaran ng Edukasyon na nakasasakop sa lugar kung saan matatagpuan ang nasabing paaralan.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page