'Di lang pang-baby, pang-daddy din… GATAS NI LJ, ININOM NI PAOLO
- BULGAR

- Feb 4, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

KAPANSIN-PANSIN sa Instagram account ng actor-comedian na si Paolo Contis na nag-i-enjoy talaga siya sa pag-aalaga sa bagong silang na anak nila ni LJ Reyes.
Pero ang pinakanakakatuwa at nakakaloka ay ang recent post niya sa kanyang IG account kung saan ay makikitang iniinom niya ang breast milk ng aktres na si LJ Reyes.
Nagsimula ang video sa paghahanap ni LJ sa breast milk pump at laking-gulat nang makitang hawak ito ni Paolo.
Kaya ang nagulat na sagot ni Paolo, “Breast milk ito? I’ve been breastfed for a week already?”
Dagdag pa niya, “Kaya pala ang lusog ko. Ang sarap ah.”
Nilagyan naman ng aktor ang kanyang post ng caption na: “ISANG PAALALA: Breast milk is still best for babies up to 34 years old.”
‘Di natigil dito ang biruan ng dalawa dahil nag-upload pa sa kanyang Instagram Story ang aktres ng litrato ni Paolo na may hawak na bote ng breast milk at iniinom ito, at ikinuwento ni LJ na inubos talaga ng actor-comedian ang isang bote ng kanyang breast milk.
Sey ni LJ, “Inubos niya talaga iyan! ‘Di ko kaya tooooo!!”
Tuwang-tuwa ang mga netizens na nakapanood sa video na ito nina LJ at Paolo kaya nag-viral ito sa social media.
Noong buwan ng Enero lamang ipinanganak ni LJ ang kanilang first baby ni Paolo at mukhang haping-hapi talaga sila sa bagong pangyayari sa kanilang buhay.
Totoo talaga ang sabi ng ilang taga-showbiz na si LJ Reyes ang nagpabago kay Paolo dahil napakaseryoso na raw nito sa kanyang career at buhay-pamilya.





Comments