top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

All-out-war vs. sayyaf, 8 utas

Jeff Tumbado
Feb 4, 2019
2 min read

PATULOY pa rin na binobomba sa tinatawag na ‘surgical airstrike’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kuta ng mga teroristang grupo sa ilang bahagi ng Mindanao sa pinaigting na opensiba ng militar.

Sa pinakahuling update ng Joint Task Force Central (JTFC), napuksa nang walang tigil na air offensive ang pinagkukutaan ng teroristang grupong Abu Sayyaf na nasa bulubunduking bahagi ng Sitio Tatak, Bgy. Tugal, Sultan sa Barongis, Maguindanao.

Nagsimula ang pambobomba ng militar sa kuta nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Joint Task Force Central Commander Major General Cirilito Sobejana, gabay ng surgical airstrike ang artillery at ground operation sa tina-target na lokasyon ng Daesh inspired terrorist group na pinamumunuan ni Salahudin Hassan.

Positibong napuksa sa operasyon ang hinihinalang nasa 20 bunkers at foxholes ng grupo kung saan umano ang dating mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BFF) na unang sumuko ang siyang tumulong para matagpuan ito.

“We ease the fear of our people and assure them that safety procedures were undertaken and deliberately planned by JTFC giving due concern to the safety of the civilian populace”, “I am very determined to defeat these threat groups and prevent them from doing terroristic activities to bring about peace in Central Mindanao,” pahayag ni Sobejana.

Kinumpirma rin ni Sobejana na limang sundalo ang nalagas at tatlo naman mula sa ASG sa patuloy na sagupaan sa Patikul, Sulu.

Tatlo umano sa mga napatay na terorista ay isang banyaga.

Nasugatan din ang ilang ASG kabilang ang kanilang sub-leader na si Indang Susukan na naputulan ng kamay.

Noong Martes, sinimulan ng militar katuwang ang PNP-Special Action Force ang “all-out-war” laban sa mga terorista bilang bahagi ng pagtugis sa mga may kagagawan sa serye ng pagsabog sa Jolo, Sulu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page