top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

20 GOLD, NAKATAYA SA 2019 BATANG PINOY DANCESPORT

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2019
2 min read

PAG-AAGAWAN ang kabuuang 20 gintong medalya na agad paglalabanan ngayong gabi sa sports na Dancesports sa pagsisimula ng labanan sa multi-sports na kompetisyon sa Mindanao Qualifying Leg ng 2019 Philippine National Youth Games – Batang Pinoy sa Davao Del Norte Sports and Tourism Complex.

Pag-aagawan ang mga medalya sa dalawang kategorya na Standard na may limang event na Juvenile D (W,T) Juvenile C (W,T,Q) Juvenile A (W,T,VW,F,Q), Junior C (W,T,Q) at Junior A (W,T,VW,F,Q) at ang Latin na Juvenile D (S,C), Juvenile C (S,C,J), Juvenile A (S,C,R,PD,J), Junior C (C,R,J) at Junior A (S,C,R,PD,J). Masasaksihan sa DanceSport ang Standard na sasayawin ang Waltz, Tango, Viennese Waltz, Slow Foxtrot at Quickstep habang sa Latin ay Cha-cha-cha, Samba, Rumba, Paso Doble at Jive.

Sinabi ni Batang Pinoy Overall Directory Jonjon Fortaleza na inihahanda na rin ang athletics at swimming kung susundin ang format na all-heats sa finals na nakadepende sa dami ng mga magiging kalahok sa bawat event ng torneo. Paglalabanan sa walong araw na torneo ang kabuuang 1,360 na medalya kung saan nakataya ang 420 ginto, pilak at tanso.

Nakataya sa may 89 local government units ang mga ginto sa archery, arnis , athletics, badminton, baseball, basketball-girls, basketball-boys, boxing, chess, futsal, karatedo, lawn tennis, pencak silat, sepak takraw), softball, swimming, table tennis, taekwondo, volleyball-girls, volleyball-boys at beach volleyball. Samantala, pormal nang binuksan ang mga laro upang pagtalunan ng mahigit sa 3000 kabataan ang 2019 Batang Pinoy Mindanao Leg.

Kabuuang 1,200 na medalya ang pagtatalunan sa loob ng 20 events kung saan 420 dito ang gintong medalya na nakataya sa naturang kompetisyon na dinaluhan ng kabuuang 89 Local Government Units (LGUs)

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez na ikinasiya niya ang pagtanggap ng mismong Governor ng Davao del Norte na kahit sa maikling panahon ng preparasyon ay naisagawa ng maayos ang hosting ng Batang Pinoy.

Ayon sa PSC chief sa kanyang talumpati na ang nasabing kompetisyon ay ginawa upang maging instrumento ng kapayaapaan lalo na sa Mindanao. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page