top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

1 todas, 1 sugatan sa pamamaril

Pabs Hernandez III
Feb 4, 2019
1 min read

LA UNION—Isang lalaki ang namatay at isa pa ang sugatan nang barilin sila ng kanilang kainuman, kamakalawa sa Bgy. Camiling, Balaonan sa lalawigang ito.

Ang nasawing biktima ay si Joemar Opetina, samantalang, ang sugatan ay si Jeston Sudiacal, kapwa residente sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng pagtatalo si Opetina at ang suspek na si Reggie Mendoza na naging dahilan para barilin nito ang biktima at pagkaraan ay binaril din si Sudiacal.

Kapwa dinala sa ospital ang dalawang biktima, pero idineklarang dead-on-arrival si Opetina, samantalang, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page