Wowowee days pa lang, kasama na… WILLIE, NILAYASAN NG 2 DANCERS

Beth Gelena / BULGARY FILES

VERY emotional sa Wowowin nu’ng Friday. Maging ang host na si Willie Revillame ay teary-eyed dahil dalawang dancers ng programa ang aalis.
Maging ang choreographer na si Ana Feliciano ay ‘di napigilang maiyak nang nagpapaalam na sa show sina Baby Gene at Lyca.
Ayon kay Willie, si Baby Gene ay matagal na niyang dancer, Wowowee days pa lang. Magtatrabaho raw sa ibang bansa ang dancer. Tatlo ang anak nito at lumalaki na, eh, solo parent daw si Baby Gene.
Si Lyca naman ay nakapasa sa isang airline bilang flight attendant.
Ani Willie, “Kami po rito sa programa ay isang pamilya. Kaya kung may aasenso, atin po silang suportahan. Matagal kong nakasama ang mga ito (Baby Gene at Lyca).”
Pinayuhan din ni Willie ang dalawang dancers na nagpaalam.





Comments