top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Senatoriables na pasok sa surveys, may bilyong campaign fund, period!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2019
1 min read

SUNUD-SUNOD na ang lumalabas na resulta ng senatoriables survey.

Lahat ng nasa Top 12 ay may “bilyong campaign fund”!

◘◘◘

MAY kutob tayo na umatras si Atty. Harry Roque, Jr. bilang kandidato hindi dahil may “sakit” siya sa puso.

Mas angkop na katwiran ay “may sakit” ang kanyang bulsa!

◘◘◘

HINDI masamang aminin na umatras dahil walang pera ang kandidato.

‘Yan ay pagpapakatotoo lamang!

◘◘◘

KAPAG inamin ‘yan ni Atty. Roque sa susunod na pagkandidato niya ay mananalo na siya.

Siya ay magiging ikalawang “’Rene Saguisag”.

Sagisag siya ng “nagdarahop”, pero puwedeng maging senador!

◘◘◘

WALANG “Rene Saguisag” noon sa Top 12 senatoriables.

Nagpapaalala ito na “hindi nagbabago” ang politika sa Pilipinas!

◘◘◘

MAY kani-kanyang “source of fund” ang nasa Top 12.

Kung anong “source of fund”, ‘yan ang paglaruan natin sa social media!

He-he-he!

◘◘◘

KUNG binomba ang Mindanao sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law, hindi kaya may manggulo rin sa eleksiyon sa Mayo?

Dapat tayong mag-ingat!

◘◘◘

HINDI raw suicide bombing ang pagbomba sa katedral sa Sulu.

Baka ‘yung suspek ay pinag-”suicide” ng mga mastermind?

◘◘◘

PAGTITIBAYIN na raw ang 2019 National Budget.

Baka maaprubahan ‘yan sa 2020?

◘◘◘

ITATAAS ang presyo ng LPG.

Nanangkupooo!

◘◘◘

MAGKAIBA ang impormasyon ng DILG, DND at AFP sa suicide bombing sa Jolo, Sulu.

Bakit?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page