top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pasan-krus talaga niya, pramis! DATING SIKAT NA FEMALE SINGER, LUBOG SA UTANG ABROAD DAHIL SA KAHIH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 3, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

AYON sa kaibigan namin na nakabase sa L.A., na­babaon sa utang ang da­ting sikat na female singer.

Nag-umpisa ang ating bida as a group singer. Nang ma-disband ang kanilang grupo ay nag-solo siya at pinalad na­mang sumikat. Maganda ang timbre ng kanyang boses at ang family clan nila ay pawang konektado rin sa showbiz.

Nagkaasawa ang singer at nagka­roon sila ng isang anak. Hindi naging maganda ang pagsasama nila kaya nagkahiwalay.

Minsan ding pinasok ng singer ang pag-arte, pero dahil passion niya ang pagkanta kaya nag-concentrate siya sa singing.

Sa ngayon, nakabase na siya sa Ame­rika. Nakilala niya ang friend namin kung saan ipinag-produce pa siya ng show doon.

Ayon sa aming kaibigan, mabait ang singer at masunurin sa ina. Katunayan, kaya raw nakakapangutang ang singer ay dahil kapag wala siyang naibibigay, nagagalit sa kanya ang ina. Ang pera naman daw na ibinibigay ng singer ay ipinansusugal lang ni mudra.

Wala naman daw permanenteng tra­baho ang singer sa Amerika. Kung minsan daw ay nagiging P.A. pa niya kapag may mga businesses siyang pinupun­tahan.

Itinuring na raw niyang sister ang singer kaya naaawa siya rito. Katuna­yan, maging sa kanya raw ay nangu­ngu­tang ang singer.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page