Nalilito kung magiging photographer o production assistant

Dear Roma, Ako si Maya, 27 years old at kasalukuyang nagtatrabaho bilang photographer at freelance production assistant. Naisipan kong humingi ng payo sa inyo dahil nahihirapan akong mamili kung ano ang ipagpapatuloy ko sa dalawa kong trabaho. Wala akong problema sa pagiging photographer ko dahil gusto ko namang gawin ‘yun, kaya lang, maliit talaga ang suweldo ru’n kumpara sa pagiging freelance P.A. Ano ang dapat kong gawin? Salamat! — Maya
Maya, Naku, para kang na-stock sa pamimili sa pagitan ng passion at pagiging praktikal, ngunit, ang maipapayo namin sa’yo ay isipin mong mabuti kung kakayanin ng kita mo sa pagiging photographer ang mga pangangailangan mo. Hindi talaga madaling mamili pagdating sa ganyang bagay, kaya bigyan mo ang iyong sarili ng oras para makapag-isip-isip. Hangad namin na maging maganda ang resulta ng iyong desisyon. Good luck at God bless!





Comments