top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mula P60 million, mga cong., P160-M na raw ang pork barrel, tsk-tsk-tsk!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 3, 2019
  • 2 min read

P-DUTERTE, GALANTE SA MGA BUWAYA SA KONGRESO — Ibinulgar ni Sen. Ping Lacson na mula raw sa dating P60 million pork barrel, P160 milyon na raw ang “pork” na matatanggap ngayong taon ng mga kongresista.

Kung ganu’n, para pa lang tumama sa jackpot ang mga kongresista kasi may dagdag silang tig-P100 milyon na “pork”.

Ganyan kagalante si P-Duterte sa mga “buwaya” sa Kongreso, buwisit!

◘◘◘

DUTERTE GOV’T. LANG ANG MAY TINGIN NA KRIMINAL ANG MGA PINOY — Ipinag-utos noon ni P-Duterte na dakpin ang mga istambay sa lansangan dahil sila raw ang kadalasang gumagawa ng krimen, pinamamanman din niya ang mga unibersidad dahil pinamumugaran na raw ito ng mga estudyanteng komunista at ang latest, ang utos ng pangulo sa Senado at Kongreso na isabatas na ang batas laban sa mga bata o ang minimum age of criminal responsibility sa 12 years old.

Hay naku, sa lahat ng naging gobyerno, eh, ang Duterte gov’t. lang ang may tingin na kriminal ang mamamayang Pinoy, buwisit!

◘◘◘

IMBES NA MAGALIT SA CHINA SA PAGLAGAY NG RESCUE CENTER SA KAGITINGAN REEF, NAG-THANK YOU PA ANG MALACAÑANG — Naibalita sa mundo ang pagtatayo ng China ng kanilang rescue center sa Kagitingan Reef na pag-aari ng Pilipinas.

Nang makarating sa Malacañang ang isyung ito, imbes na magalit ay nagpasalamat pa sa China si Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Patunay ‘yan na ang gobyernong ito ni P-Duterte ay matapang lang sa mga mahihirap na mga Pinoy, pero pagdating sa China, tiklop! Pwe!

◘◘◘

HUBARAN NG MASKARA ANG TAONG NAG-UTOS KAY URIETA NA MANGOTONG — Hindi maglalakas-loob ang nadakip sa kotong na si Mark Bien Urieta, hepe ng Anti-Scalawag Section ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kung walang nag-utos sa kanyang mangotong sa mga vendor.

Kaya ang dapat gawin ni PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) Director Sr. Supt. Romeo Caramat na siyang nakahuli kay Urieta ay pigain nang husto ang kotongerong ito para mahubaran ng maskara ang taong nag-utos sa kanyang mangotong sa mga vendor, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page