top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mala-palos na tulak dedbol sa parak

Jeff Tumbado
Feb 3, 2019
1 min read

DEDO makaraang manlaban sa mga pulis ang notoryus na tulak sa Bgy. Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang suspek na si Isidro Cabandon alyas Adam na nasa drug watchlist at ilang beses na umanong nakatakas sa mga operasyon ng pulisya.

Ayon kay Bulacan Police Provincial Direcror Senior Supt. Chito Bersaluna, matapos ang bentahan ng kontrabando ay dito nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon.

Bago pa man nakalapit ang mga back-up ng pulis ay bumunot na ng baril ang suspek, nagpaputok at tumakbo sa isang madilim at madamong lugar.

Doon na tuluyang nakorner ang suspek at napatay ng mga pulis matapos ang ilang minutong pakikipagbarilan nito.

Narekober sa crime scene ang baril na gamit ng suspek at ilang pakete na naglalaman ng shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page