top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kandidatong alkalde tiklo sa mga baril at pagtatago ng kriminal

  • Levi Gonzales
  • Feb 3, 2019
  • 1 min read

MAHAHARAP sa patung-patong na reklamo ang tumatakbong alkalde sa Batangas matapos mahulihan ng iba’t ibang klase ng baril at pagtatago ng kriminal sa Bagong Sikat, Lemery, Batangas.

Alas-10:20 ng gabi nang salakayin ang pinagtataguan ng No. 2 Most Wanted ng Calabarzon na akusadong si Miko Michael Caguitla, 26, walang asawa, ng Bgy. Masalukot 1, Candelaria, Quezon sa kasong pagpatay.

Naaresto rin ang ibang suspek na sina Vicente Andal, 53; Exequiel Caringal, Jr., 59, at Lester Sagun, 40, tumatakbong alkalde sa San Nicolas, Batangas at panibagong kaso naman sa pagtatago ng kriminal.

Narekober sa kanila ang iba’t ibang klase ng matataas na kalibre ng baril at mga bala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page