Hubo’t hubad, nakaluhod at nakasubsob | KANO, NATAGPUANG PATAY SA KULUNGAN SA IMMIGRATION
- Gina Pleñago
- Feb 3, 2019
- 1 min read

WALANG saplot nang matagpuan ang isang American national na isang detainee sa loob ng isolation room ng Bureau of Immigration (BI) sa compound ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Bgy. Bicutan, Taguig City kamakalawa.
Kinilala ang dayuhan na si William Mark St Cyr, 55, binata, ng New Hampshire, USA.
Base sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), si Loreto Abacia, 48, food server, ang nakakita sa dayuhan na walang saplot, nakaluhod at nakasubsob sa sahig at wala ng buhay sa loob ng isolation room ng custodial facility ng BI alas-7:35 ng umaga.
Agad niyang ipinagbigay-alam ang insidente sa nakatalagang guwardiya ng naturang custodial facility.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.





Comments