top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bawas-presyo sa gas

  • Gina Pleñago
  • Feb 3, 2019
  • 1 min read

MATAPOS ang apat na magkakasunod na oil price hike, nagpatupad naman kahapon ng pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Sa advisory ng Phoenix Petroleum Philippines, epektibo ng alas-6:00 kahapon ng umaga, nagbaba ng presyo sa gasolina ng P0.65 kada litro at P0.35 sa kada litro naman sa diesel.

Maglalaro sa P0.60 hanggang P0.70 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina, P0.30 hanggang P0.40 sa diesel at P0.10 hanggang P0.20 naman sa kerosene, batay sa kuwenta.

Ayon naman sa UniOil, mula naman ng Pebrero 5 hanggang Peb.10, bababa ang presyo ng diesel na nasa P0.30 hanggang P0.40 kada litro at ang gasolina naman ay nasa P0.60 hanggang P0.70 kada litro.

Sa magkahiwalay na abiso ng Jetti, magbabawas sila ng P0.35 hanggang P0.40 ang kada litro ng diesel at P0.65 hanggang P0.70 ang kada litro naman sa gasolina.

Kadalasan, ang mga local oil company ay nagpapatupad ng price adjustment tuwing Martes.

Samantala, nagpatupad naman ng taas-presyo sa kada kilo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw.

Kahapon ay inanunsiyo ng Eastern Petroleum Corp. na ang kanilang EC Gas LPG ay nagtaas ng P3.40 kada kilogram o P37.40 para sa 11-kilo tank.

Epektibo alas-6:00 ng umaga (Pebrero 3), nang tumaas sa P646 ang 11-kilogram tank ng Regasco LPG.

Ang naturang latest price adjustment ay dahil sa pagtaas ng contract price at bunsod na rin ito ng ikalawang TRAIN Law.

Matatandaan, na nitong Biyernes ay unang nagtaas ng kanilang presyo ng LPG ang Petron Corporation.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page