top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Tatay bumili ng pagkain, bahay ikinandado | ANAK NA 6 At 8 NALITSON SA KANDILA

Maeng Santos
Feb 2, 2019
1 min read

DALAWA sa tatlong magkakapatid na na-trap sa nasusunog nilang bahay ang nasawi habang kritikal ang isa pa at su­ga­tan naman ang dalawang tumulong sa pag-apula ng apoy sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.

Binawian ng buhay ha­bang ginagamot sa MCU Hos­pital sanhi ng mga tina­mong sunog sa katawain sina Cedric James Baleros, 8, at Cloe Kate, 6, habang kritikal naman ang kanilang bun­song kapatid na si Alexandra, 4, sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.

Kinilala naman ang da­lawang nasugatan na sina Jaymart Jeresano, 16, at Eloisa Enzo, 21, na kapwa nagtamo ng mga pinsala sa kanilang tuhod at siko.

Ayon kay FO1 Cristina Jarabelo, alas-12:30 ng ha­tinggabi nang sumiklab ang apoy sa second floor ng ba­hay ng mga biktima sa Bgy. 155, Bagong Barrio.

Ayon kay Barangay Chair­man Bryan Pascual, walang kuryente ang bahay ng Pa­milya Baleros at gumagamit lang ng kandila.

Sa pahayag ng saksing si Rosalie Bejeson, bago su­miklab ang sunog ay umalis ang ama ng mga biktima na si Richard Baleros at ikinan­dado nito ang bahay upang bumili ng pagkain.

Nagtulung-tulong naman ang mga kapitbahay ng mga biktima na mailabas sa nasu­sunog nilang bahay ang mag­kakapatid bago isinugod sa naturang ospital.

Umabot sa unang alar­ma ang sunog at tuluyang naapula alas-2:30 ng ma­daling-araw habang tinata­yang aabot sa P15,000 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page