top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Roque, atras sa pagka-senador dahil tablado kay P-Digong?! Hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2019
2 min read

LINGAP NG INC, UMARANGKADA NA RIN SA MGA OFW —Hindi lang pala sa Pilipinas kundi ma­ging sa ibang bansa ay nag­sa­­sagawa na rin ng “Li­ngap sa Mama­ma­yan” ang kapatiran ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa pama­ma­gitan ng pagbi­bigay ng “goodwill bags” na naglalaman ng pagkain at hygiene (kaga­mitang pangkalu­sugan) sa mga OFW na ayon kay INC General Auditor Glice­rio San­tos, ginagawa nila ito base sa kagus­tuhan ni INC Executive Minister Eduardo V. Manalo na makalinga rin ang mga Filipino worker sa China, Hong Kong, Thailand, Malaysia at Taiwan.

Kung lahat sana ng relihiyon ay tulad ng INC, eh, di sana, napapa­saya at nakatutulong sila sa mga OFW na maib­san ang kalungkutan habang nagtatrabaho sa ibang bansa, period!

◘◘◘

AATRAS TALAGA SI ROQUE KASI HINDI SIYA BET NI P-DUTERTE—Ang idinahilan ni ex-Presidential Spokesman Harry Roque, Jr. sa kanyang pag-atras sa pagka-senador ay dahil sumasama raw ang kanyang kalusugan.

Siguro, kaya suma­ma ang health ni Roque ay dahil sa inis kasi ilang beses nang nangyari na nasa harapan na siya ni P-Duterte, pero hindi ikinakampanya ng pangulo ang kanyang kandidatura, boom!

◘◘◘

BAD ANG PAMU­MULITIKA NG OMBUDSMAN KAY “BONG” REVILLA — Sa panahon ng elek­siyon, bad ang pamu­mo­litika ng mga prose­cutor ng Ombudsman kay ex-Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Inabsuwelto ng San­diganbayan si Revilla dahil base sa ebiden­siya ay si Atty. Richard Cambe, dating chief of staff nito ang kinasab­wat ni Janet Lim Napo­les sa scam, tapos ang mga taga-Ombudsman, ang ex-senator pa ang inihihirit magbayad ng P124.5 milyon sa kinasangkutan daw ni­tong Pork Barrel Scam.

Dapat isalpak ng mga “dilawang” prose­cutor ng Ombudsman sa kanilang kuko­te na ang sinumang akusado sa kaso kapag naab­suwelto ay wala nang pananagu­tan sa batas, period!

◘◘◘

JUETENG NI ‘RE­DEN’ AT MASIAO NI ‘WACKY’ SA CEBU —May pa-jueteng na rin daw si alyas Reden sa Cebu.

Dati, masiao lang ni “Wacky” ang namama­yagpag sa jurisdiction ni Cebu PNP Director Sr. Supt. Manuel Abrugena, ngayon pati jueteng, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page