No show sa event sa Leyte | P-DUTERTE, MASAMA ANG PAKIRAMDAM
- mylene alfonso
- Feb 2, 2019
- 1 min read

DAHIL umano sa hindi magandang pakiramdam kaya hindi nakapunta si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang event sa Palo, Leyte ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go.
Nakatakda sanang dumalo sa Barangay Summit on Peace and Order sa Palo, Leyte, alas-4:00 ng hapon.
Kaugnay nito, hindi na nagbigay pa ng anumang detalye si Go hinggil sa kondisyon ng kalusugan ng pangulo.
Samantala, iginiit naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi dapat ipag-alala ang hindi pagsipot ng Punong Ehekutibo sa nasabing aktibidad.
Sa halip, dapat pa umanong purihin si Duterte dahil alam nito kung kailan niya ikakansela ang kanyang biyahe at ipapahinga ang sarili kapag hindi maayos ang pakiramdam.
Matatandaang, bumisita sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu si Duterte, dumalo rin ang pangulo sa groundbreaking ceremony para sa bagong ospital sa Malabon City at kinalaunan ay nagtungo sa premiere night ng pelikula ni dating Philippine National Police Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ginanap sa isang kilalang mall sa Mandaluyong City noong Martes.
Nagkaroon din ng pribadong pagpupulong ang pangulo kina Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev at Israel Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz sa Malacañang noong Huwebes.





Comments