top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

MASTER OF THE TABLE NA BA ANG MGA NOYPI SA DERBY CLASSIC?

Eddie M.Paez, Jr.
Feb 2, 2019
1 min read

GUMAGAPANG na paakyat ng leaderboard para sa karangalang matawag na Derby City Classic (DCC) “Master of the Table” ang mga pambato ng Pilipinas na sina Dennis “Robocop” Orcullo at Francisco “Django” Bustamante sa multiple events na kaganapan sa Southern Indiana.

Kasalukuyan nang umakyat sa panglimang puwesto si Orcullo, tubong Bislig, sa kartadang 102.3 puntos at inaasahang malalagpasan nito ang tumatrangkong sina Billy Thorpe ng USA at ang Kuwaiti na si Omar Al-Shaheen. Ito’y sa kadahilanang si Orcullo, dalawang beses nang naging overall titlist sa paligsahan, ay humahataw pa sa One Pocket event habang ang dalawang pacesetters ay laglag na sa karera ng naturang event.

Gahibla sa likod ni Orcullo at nasa pang-anim na puwesto si Bustamante, ang 2018 Master of the Table at 2018 One Pocket champion, dala ang rekord niyang 90.8 puntos. Kagaya ni Orcullo, inaasahang malalampasan din ng alamat ng Tarlac sina Thorpe at Al-Shaheen dahil umaalagwa pa ito sa karera ng One Pocket at swak na sa round 12.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page