top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Mag-inang tulak, nadakma

Janice Baricuatro
Feb 2, 2019
1 min read

TIMBOG ang mag-ina na sinasabing tulak matapos magsagawa ng buy-bust operation sa Bgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite, kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ni Police Supt. Paul Bometivo, ang suspek na si Jeffrey Terrago alyas Dagul, 32, at ang ina nito na si Jannylyn Terrago, 53, kapwa residente ng Bgy. Tejeros Convention, Rosario at kapwa nasa drug watchlist ng pulisya.

Sa panayam kay Col Bometivo, alas-2:00 ng hapon nang kanilang ilatag ang buy-bust operation laban sa mag-ina.

Isang pulis ang tumayong scorer at bumili ng shabu sa mga suspek.

Habang isinasagawa ang transaksiyon ay nakamasid naman sa paligid ang ilang miyembro ng PDEA 4A at Drugs Enforcement Unit (SDEU) ng Gen. Trias Police at nang magkaabutan na ay dito na dinakma ang mag-ina.

Nakuhanan ang mga ito ng higit 10 gramo ng shabu at drug money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page