Kaya raw puro throwback photos ang ipino-post… BASHER KAY KC: 'WAG MO KAMING LOKOHIN! MASHUBA KA
- BULGAR

- Feb 2, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

HINDI nakapagtimpi si KC Concepcion at sinagot ang napakalupit na komento ng netizen nang i-post niya ang kanyang throwback picture. Grabeng panlalait ang sinabi ng netizen sa lumang larawan ni KC kung saan seksing-seksi siya.
Ayon sa netizen, ‘wag na raw silang pinaglololoko dahil lumang picture na ang ipinost ni KC. Dahil daw ba mataba na siya ngayon kaya puro throwback photos na lang ang ipino-post?
“Be yourself!!! Decide to be yourself,” sabi pa nito kay KC.
Sagot ni KC sa isang @joju_2019: “I am my own fitspiration. Why do you have to be so harsh? Don’t you think people can already be harsh on themselves? It hurts.”
Dahil sa harsh comments, ipinagtanggol si KC ng kanyang mga followers. Sinagot din nila ng hindi magagandang salita ang basher.
Ang tapang daw manlait ng kapwa ng naturang basher pero takot namang ipakita ang mukha.
“Takot ka din sa sarili mong mukha ano!”
“Old or not, at least may picture siyang ganyang kaganda. Ikaw meron? Baka mukha kang bangus na bilasa,” ilan lang sa mga sagot nila sa basher.
Paalala naman ng panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta, “Okay lang ganu’n talaga ‘pag maganda ka inside and out, may basher. Ignore him.”





Comments