top of page
Pokwang.jpg

Karnaper dedbol sa engkuwentro

Janice Baricuatro
Feb 2, 2019
1 min read

TUMAGAL nang ilang minutong habulan bago tuluyang bumulagta ang hindi pa nakikilalang karnaper matapos makipagbarilan sa kapulisan kahapon ng madaling-araw sa Bgy. Kayquit 3, Indang, Cavite.

Sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakikilala ang napatay na suspek dahil wala ni isang ID na nakuha rito.

Sa ulat ng Indang Police, ala-1:45 ng madaling-araw nang magsagawa sila ng follow-up operation matapos makatanggap ng report na may nabiktima umano ng pangangarnap ng motor.

Nang magtungo ang kapulisan sa sinabing lugar, agad nilang namataan ang isang lalaki na nakasakay sa single na motor na nahahawig sa itinawag sa kanila.

Tinangkang kausapin ng pulisya ang suspek subalit, sinalubong umano sila nito ng sunud-sunod na putok ng baril kaya napilitan silang gumanti.

Nagkaroon pa ng habulan at palitan ng putok hanggang sa tumimbuwang ang suspek.

Nakuha rito ang isang baril at motorsiklo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page