7 patay sa malamig na panahon
- Jersey Sanchez
- Feb 2, 2019
- 1 min read
PITO katao na ang nasawi sa matinding lamig ng panahon sa Midwest ng Amerika na tinawag na ‘polar vortex’.
Base sa impormasyon, naka-shutdown ang mga lungsod sa iba’t ibang estado ng bansa dahil sa nagyeyelong panahon.
Samantala, bumagsak sa -30°c ang temperatura sa Chicago na mas malamig kumpara sa bahagi ng Antarctica at North Dakota na may -37°c.
Inaasahang bababa pa ang mararamdamang lamig ng mahigit 250 milyong residente sa Estados Unidos.
Ayon sa weather forecast sa Wisconsin, patuloy pang babagsak ang mga snow mula sa Great Lakes patungo sa New England na may kapal na 24 inches o 60 cm.
Nagdeklara na ng state of emergency sa Midwestern Wisconsin, Michigan at Illinois, gayundin sa may karaniwang warm weather sa Deep South States ng Alabama at Mississippi.





Comments