11-anyos sex slave ng stepdad
- Janice Baricuatro
- Feb 2, 2019
- 1 min read

ARESTADO ang isang Pakistani kaugnay sa kaso ng umano’y paulit-ulit nitong panggagahasa sa 11-anyos na anak ng kanyang kinakasama sa Bgy. Luzviminda 1, Dasmariñas, Cavite.
Kinilala ni Police Supt. Nerwin Ricohermoso ang suspek na si Zeeshan Tariq, 38, Pakistani national, businessman.
Sa panayam kay Col. Ricohermoso, isang police operation ang isinagawa nila matapos matanggap ang kopya ng warrant laban sa nasabing suspek.
Alas-6:30 ng gabi, bitbit ang kopya ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Niven Canlapan, acting presiding judge ng RTC Branch 90, Dasca, City Dasmariñas, Cavite para sa kasong rape, nagtungo ang pulisya sa lugar kung saan naninirahan ang suspek at inaresto ito.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, si Melody Relate, 43, ang tumayong complainant para sa kanyang pamangkin na 11-anyos at Grade 6 pupil, matapos magsumbong sa kanya hinggil sa ilang ulit na panggagahasa ng suspek noong August 16, 2018 ng gabi at naulit noong August 20-26, 2018 ng gabi.





Comments