ROBOCOP AT 7 PA, HUMAKBANG SA FINAL ROUND NG DCC

NAGPARAMDAM si Dennis “Robocop” Orcullo ng tatag ng pulso at tikas matapos itong makapagposte ng pangalawa sa pinakamataas na iskor na 260 at maalwang mapabilang sa walo-kataong bilyarista na hahakbang sa final round ng 14.1 Straightpool event ng malupit na 20th Derby City Classic (DCC) sa Southern Indiana.
Bukod kay Orcullo, two-time overall DCC titlist, nasa listahan rin ng straightpool magic 8 sa kasalukuyan ay ang dating U.S. 14.1 Straightpool Champion Lee Van Corteza ng Pilipinas (183), si world 9-ball king Joshua Filler ng Germany (285), British gem Chris Melling (244), John Schmidt (216), Finland pride Mika “Ice Man” Immonen (201), Shane Van Boening ng USA (198) at Dutch ace Niels Feijin (179).
Samantala, malinis na kartada naman ang hawak nina Francisco “Django” Bustamante at Alex “The Lion” Pagulayan sa paglalakbay sa One Pocket naevent na ngayon ay nasa huling tatlong rounds na lang.





Comments