Pinalawak na 20% transpo discount bill para sa mga mag-aaral, aprub!
- BULGAR

- Feb 1, 2019
- 1 min read

"BAYAD po, estudyante.”
Good news sa mga mag-aaral na namamasahe, pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang substitute bill para sa 20% discount sa lahat ng uri ng transportasyon.
Sa nasabing panukala, palalawigin ang ibinibigay na diskuwento sa pamasahe para sa lahat ng mga estudyante sa bansa.
‘Pag tuluyan na itong naging batas, mabibigyan ng 20% discount ang mga mag-aaral sa land, water at air transport systems.
Kumbaga, obligado nang magbigay ng 20% student fare discount ang mga bus, jeepney, taxi, tricycle, transport network vehicle services (TNVS), MRT, LRT, gayundin ang mga airline at barko.
Kasama na rin sa bibigyan ng discount ang Sabado at Linggo, gayundin kapag piyesta-opisyal.
Sa kasalukuyan, limitado sa land public transportation tulad ng jeepney at bus ang student fare discount.
Kaya napakalaking tulong nito sa mga mag-aaral, lalo na sa kanilang mga magulang.





Comments