Lalo na kung nagbe-breastfeed ka o kaya ay may diabetes ka, lodi! PUSO NG SAGING, GOOD SA HEALTH!

‘IKA nga nila, saging lang ang may puso! Ha-ha-ha! Pero, knows ba ninyo na totoong may puso ang saging dahil ang puso nito ay maraming magandang benepisyong naidudulot sa ating kalusugan? Talaga ba?
Ayon sa mga eksperto, ang puso ng saging ay nakabubuti para sa mga taong anemic o kulang sa dugo dahil nakare-reduce ito ng blood sugar level.
Gayunman, kung madalas kayong makaranas ng mood swings at anxiety, epektibo rin ang puso ng saging para magkaroon kayo ng magandang mood dahil kilala ito bilang anti-depressant at wala itong kahit anong side-effects.
Samantala, nakagagaling din ng impeksiyon ang puso ng saging dahil ayon sa pag-aaral, ito ay nae-extract sa malarial parasite plasmodium falciparum na napatunayan nang magsagawa ng eksperimento ang mga dalubhasa.
Dagdag pa rito, dahil maituturing na gulay ang puso ng saging, masustansiya ito para sa ating lahat, kaya ipinapayo ng mga eksperto na ugaliing kumain nito kahit isang beses lamang sa isang linggo.
Maliban pa rito, marami ng iba’t ibang luto ang nauuso ngayon gamit ang puso ng saging, kaya tiyak na hinding-hindi kayo magsasawang kainin ito.
Gayundin, para sa mga mamshie natin diyan na nagbe-breastfeed pa, ang puso ng saging umano ay kering makapagpalakas ng milk supply, kaya alam n’yo na ang gagawin ninyo, ha?
Oh, ayan, mga lodi, bukod sa saging, eh, mapakikinabangan din pala ang puso nito.
Totoo ngang, saging lang ang may puso, char! He-he-he!
Kaya mga beshy, kumain tayo ng masusustansiyang pagkain nang sa gayun ay maiwasan natin ang pagkakaroon ng sakit.
Gets mo?





Comments