Kung ang aktres, 'di pa sure… SIGAW NI XIAN: SI KIM NA ANG "THE ONE"!
- BULGAR

- Feb 1, 2019
- 1 min read

DAHIL natanong din si Kim Chiu ng “Is he the one?” noong huling guesting niya sa Tonight with Boy Abunda, tinanong din si Xian Lim sa talk show ni Kuya Boy kung si Kim na nga ba ang “the one” para sa aktor.
Kung ang sagot ni Kim ay “Hindi ko po alam,” sinagot naman ni Xian ang tanong ng, “There is no denying, me and Kim, we love each other, sobra. Sobra talaga. Sobra-sobra! And it feels good to be able to say this now, after so many years…”
Marami rin diumano ang nagtatanong kina Xian at Kim kung bakit ngayon lang nila inamin ang kanilang relasyon at ayon sa aktor, ang dahilan ay, “Ayaw naming umamin while magkatrabaho kami. I don’t want people thinking na parang ‘Eh, kasi, gusto lang nilang i-promote ‘yung team-up nila, e…’”
Napatunayan ng KimXi na totoo ang pagmamahalan nila at hindi lang dahil sa trabaho dahil ayon nga kay Xian, “But years later, we’re still together and we’re not promoting ourselves.”
Ano naman kayang activity ang nai-enjoy nina Kim at Xian as a couple?
Sagot ni Xian, “What we enjoy the most is long drives, either me driving or she also loves driving, talking habang nagmamaneho…”
Isang beses daw ay nakarating sila sa Quezon province nang mag-long drive sila ni Kim.
Pinapili rin si Xian kung “roses or chocolates,” at masayang sagot niya, “Aww.. roses. Kim loves roses, (noong) nagma-My Binondo Girl kami, that was the first time na I gave her a bouquet of roses and I started giving her roses and it just made her so happy…”





Comments