top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kumakandidatong konsehal | SHABU SUPPLIER NANLABAN SA PULIS, TODAS

Jeff Tumbado
Feb 1, 2019
1 min read

ISANG bigtime shabu supplier na umano’y nakatakdang kumandidato sa pagka-konsehal ng bayan ang patay nang manlaban sa buy-bust operation sa Pilar, Sorsogon.

Naisugod pa sa ospital si Roy Lumbao subalit, binawian din ito ng buhay matapos mapuruhan sa barilan.

Batay sa report ng Pilar Municipal Police Station, aktong darakpin na ng mga awtoridad si Lumbao ilang sandali nang maiabot nito ang pakete ng shabu sa poseur-buyer subalit, nakatunog ito kaya nagtangkang tumakas.

Habang papatakas, bumunot umano ng .45 baril ang suspek at pinaputukan ang mga humahabol na pulis hanggang sa mauwi sa running gunbattle.

Nakorner si Lumbao sa Bgy. Binuahan at doon nabaril. Si Lumbao ay napag-alamang dating kapitan ng barangay at kumakandidatong konsehal sa Pilar.

Nakumpiska sa napatay na suspek ang ilang plastic sachets na naglalaman ng shabu na nagkakahalagang P18,000 at ang baril nito na gamit bilang proteksiyon sa iligal na kalakalan ng droga.

Matagal na umanong nasa ilalim ng drug watchlist si Lumbao at itinuturing na high value target.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page