HOROSCOPE | PEBRERO 01, 2019 (Biyernes)
- BULGAR

- Feb 1, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG Pebrero 1, 2019 (Biyernes): Magsaya ka dahil kapag ipinairal mo ang lungkot sa iyong buhay, mamalasin ka! Ito mismo ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang manghinayang sa maliit mong kita. Ang kayamanan ay naiipon dahil sa maliliit na pakinabang. Ibig sabihin, okay lang na mag-umpisa ka sa maliit. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-11-18-25-29-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magbawas ka ng sigasig nang sa gayun ay makapagpokus ka sa mga ginagawa mo sa buhay. Sa ganito, lalong sisigla ang kapalaran na bigyan ka ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-12-16-24-39-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Kahit ayaw mong magkaroon ng sobrang biyaya, mapasasakamay mo ang napakalaking suwerte. Puwede mo itong ibahagi sa mga mahal mo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-21-28-35-37.
CANCER (June 21- July 22) - Suwerte ka ngayon at sa ilan pang mga araw na darating. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-27-32-40-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Muling nagbalik ang mga araw kung kailan ang mga plano mo ay magbubunga ng magagandang resulta. Kaya magplano ka at dapat ay ngayon na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-24-29-33-38-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit anong utos mo sa ibang tao, tiyak na susundin ka ng mga ito dahil ikaw ang nagbibigay ng sigla sa kanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-22-27-30-39-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mangyayari ang pinakagusto mo, pero ang takdang kapalaran ay kusang kikilos para mapaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-21-28-34-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makibahagi ka sa usapan kung paano mabilis na aasenso ang lahat. Inaasahan ng marami na mayroon kang maiaambag na magagandang pananaw para sa ikauunlad ng lahat. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-21-24-39-31-36-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Napakalakas ng enerhiya mo ngayon na makikitang tugma sa hangarin mong yumaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-20-21-27-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pigilan mo ang iyong damdamin. Ang sobrang pagmamahal ay kadalasang nagiging sanhi ng kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-28-39-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag maganda na ang takbo ng buhay mo, hindi na kailangan pa ang mga bagong ideya. Huwag mong kalilimutan na kapag nag-eeksperimento ka sa buhay, lalo ka lang papalpak. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-16-22-29-37-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbababala ang iyong kapalaran na kapag nilunod mo ang iyong sarili sa masasayang kaganapan, baka hindi ka na makaahon at tuluyan nang hindi gumanda ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-22-26-37-42.




Comments