Dahil sa ulan at overloading | BANGKA LUMUBOG, 20 NAWAWALA
- Jersey Sanchez
- Feb 1, 2019
- 1 min read
LUMUBOG ang dalawang bangka na sinasakyan ng mga migrant dahilan para mawala ang 20 katao sa Djibouti, East Africa.
Batay sa unang imbestigasyon, malakas na pag-ulan at overloading ang sanhi ng insidente.
Gayunman, ayon sa International Organization for Migration, 30 bangkay ang narekober habang mayroong 16 survivors.
Samantala, ayon sa survivor, 130 katao ang lulan ng bangka na patungo umano sa Yemen ang bangka mula sa Africa.





Comments