Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA DRAGON TUWING CHINESE NEW YEAR

Bigyang-daan natin ngayon kung bakit dragon ang nakikita sa pagdidiriwang ng Chinese New Year. Narito ang ilang mahahalagang bagay tungkol sa dragon ng mga Tsino:
Sinisimbolo ng dragon ang kapangyarihan at kalakasan.
Sinisimbolo rin niya ang good luck, kasaganahan at kayamanan.
Sinisimbolo rin niya ang fertility, wisdom at dignity.
Paano magagamit sa buhay ng tao ang nasabing mga impormasyon tungkol sa dragon?
Maglagay ng larawan ng dragon sa bahay lalo na sa sala nang sa gayun ay magkaroon ng kapangyarihan o power ang naninirahan sa bahay.
Paminsan-minsan ay sasalatin ang dragon para magkaroon ng mataas na puwesto sa trabaho.
Kayang maka-under ng dragon, kaya para sa mga misis na gustong ma-under ang kanilang mister, alam n’yo na.
Kung may sakit o karamdaman ka, ang payo sa iyo ay maglagay ka ng dragon sa iyong silid-tulugan nang sa gayun ay mabilis kang gumaling.
Susuwertehin ang taong may dragon sa bahay.
Minamalas ka ba? Pinagdaramutan ka ba ng kapalaran? Ayaw bang umunlad ng buhay mo? Mabagal ba ang dating ng pera sa iyo? Ang sagot ay dapat may sarili kang dragon.
Inaapi ka ba ng mga tao, hindi ka ba iginagalang at maliit ang pagtingin nila sa iyo? Ang sagot, dapat may sarili kang dragon.
Mahina ba ang isip mo, hindi ka ba makapasa sa exam o mababa ba ang mga grado mo? Dragon ang kasagutan sa problema mo.
Kinukulang ka ba sa talas ng isip? Hindi mo ba alam ang paraan para umunlad ka? Pahihiramin ka ng dragon ng talino na lulutas sa mga kahinaan mo.
Hindi ka ba magkaanak? Tapos na ang problema mo dahil ang imahe ng dragon ay sumisimbolo ng fertility.
Muli, paminsan-minsan, pero maganda rin na madalas ay sasalatin o hahawakan mo ang imahe ng dragon nang sa gayun ay lumabas ang lihim na taglay na kapangyarihan ng dragon.
Ang mga ito ay nagmula sa itinatagonng karunungan ng mga Tsino na noon pa man ay kanila nang iniingat-ingatan.




Comments