‘Ika nga, aanhin ang kasiyahan kung dehins ka naman ligtas, besh! MGA PARAAN PARA MAGING LIGTAS ANG
- Donna Thea Topacio
- Feb 1, 2019
- 1 min read

LAHAT tayo, kahit ‘yung mga single, eh, gustong makipag-date sa Valentine’s Day dahil ito ang nakasanayang araw para ipagdiwang ang pagmamahalan. Pero, bago tayo mag-celebrate, mga besh, narito ang ilang safety tips para maging ligtas sa Araw ng mga Puso:
1. DON’T ANNOUNCE YOUR PLANS ON SOCIAL MEDIA. Huwag tayong masyadong ma-broadcast sa social media dahil una, hindi tayo reporter, pangalawa, hindi tayo vlogger! Char! Pero, mas mainam kung magiging low key lang tayo para hindi tayo masundan ng masasamang-tao. Ngayong 2019, matuto na tayo sa mga nababalitaan nating nabibiktima dahil sa pagpo-post sa social media. Gets mo?
2. WAIT TO POST PICTURES. Huwag kaagad tayong magpo-post ng pictures kung hindi naman kailangan, lalo na kung nandoon pa kayo sa lugar kung saan ninyo kinunan ang litrato. Copy?
3. LOCK DOORS AND WINDOWS. Kung walang maiiwanan sa bahay, mga besh, make sure na maisasara ninyo nang maayos ang mga pinto at bintana nang sa gayun ay hindi kayo mabiktima ng Akyat-Bahay Gang. Tsk!
4. LIGHT IT UP. Mainam din kung bago umalis, eh, magbubukas kayo ng ilaw sa bahay upang magmukhang may tao sa loob kahit wala naman. ‘Ika nga, mas masayang umuwi sa bahay kung safe ang ating buhay. Hi-hi-hi!
5. LIMIT CASH. Kung magde-date, huwag tayong OA sa pagdadala ng pera lalo na kung magko-commute lang tayo, jusko! Sa totoo lang, mas mabilis pa ang mga kawatan kaysa sa mga aso sa labas ng bahay ninyo. Ganern!
Love month na, kaya make sure na bukod sa nagpapakita tayo ng pagmamahal, eh, mag-iingat din tayo sa mga kawatan.
Love, love, love! Okay?





Comments