Wala nang tainga, ngipin at hita | 6 BATA NATAGPUANG PATAY
MALAKING palaisipan sa pulisya ang pagkasawi ng anim na bata sa Tanzania.
Ito ay matapos matagpuan ang labi ng mga biktima na pawang nasa edad dalawa hanggang siyam na nawawala ang ilang parte ng kanilang katawan tulad ng tainga, ngipin at hita.
Ayon kay Njombre District Commissioner Ruth Msaifiri, posibleng ginagamit ng mga suspek sa pangungulam ang nawawalang parte ng katawan ng mga biktima.
Paniniwala naman ng mga residente sa naturang lugar, ang mga bahagi ng katawan na nawawala ay nagdadala umano ng suwerte at yaman.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente.





Comments