Sobrang lamig, maternity wards mapupuno after 9 months, he-he-he!

Heightened alert ngayon ang PNP at AFP.
Hanggang kailan kaya?
◘◘◘
PUMAPALAG na ang Simbahang-Katolika kay P-Digong.
Nakupooo!
◘◘◘
MAYROON ng 14 senatorial candidates ang Hugpong ng Pagbabago ni Inday Sara.
Kailangang magdagdag ng dalawang silya si Tito Sen sa Senado.
Dahil baka manalo lahat ng 14 na ieendorso ni Mayor Sara!
◘◘◘
GUMAGRABE ang sitwasyon sa Venezuela.
Marami kasing nangingialam na mga dayuhan!
◘◘◘
SOBRANG lamig ng klima.
Mapupuno ang maternity wards after 9 months!
◘◘◘
TUMABO si Sen. Manny “Pacman” Pacquiao sa laban niya kay Adrien Broner.
Milyun-milyong dolyares ‘yan!
◘◘◘
MAYROON nang sapat na suplay ng bigas.
Suplay ng bigas na mula sa mga magsasaka ng ibang bansa!
◘◘◘
UMATAKE na naman ang New People’s Army (NPA).
Mamumura na naman kayo!
◘◘◘
BIGO ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na maabot ang target collection.
Sibakan blues?





Comments