NDFP peace consultant, dedo sa pamamaril

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang peace consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) makaraang pagbabarilin ng hindi pa tukoy na salarin sa Aritao, Nueva Vizcaya, madaling-araw ng Huwebes.
Nakilala ang biktima na si Randy Felix Malayao.
Ayon kay Nueva Vizcaya Police Director Senior Supt. Jeremias Aglugub, bandang alas-2:00 ng madaling-araw nang huminto sa bayan ng Aritao ang sinasakyang pampublikong bus ni Malayao na biyaheng Isabela.
Bumaba umano ang mga pasahero pati ang driver at naiwan sa loob ng bus si Malayao.
Doon na umakyat ang isang suspek at dalawang beses na pinaputukan ang biktima nang malapitan. Wala namang nadamay sa pamamaril.





Comments