Meningococcemia scare sa Cavite, kumalat

NABALOT ng pangamba at pagkatakot kahapon ang mga residente sa Lungsod ng Cavite matapos kumalat sa social media na may namatay na dalawang buwang gulang na sanggol sa ospital dito na nagpapakita ng mga senyales ng Meningococcemia dahilan upang isara pansamantala ang emergency room ng ospital.
Ayon sa kumalat na mensahe sa Facebook, kailangang i-disinfect ang ER ng ospital gamit ang UV ng ilang oras upang tuluyang mapatay ang bacteria.
Lalo pang binalot ng pangamba ang mga Caviteño matapos kumalat ang mga larawan ng nakasara at nakabalot na ER ng ospital at ilang netizens din ang nagpatotoo na hindi nga nagagamit ngayon ang ER ng ospital.
Agad namang nagpalabas ng official statement ang City Disease Surveillance Unit ng City Health Office at ito ang kanilang naging pahayag: The medical case of a 2-month-old who died in Cavite Medical Center last January 29, 2019 is just a suspected meningococcemia. After investigation, it was clear that IT WAS NOT a confirmed case of meningococcemia. Please disseminate correct and proper information as not to cause panic and false hysteria amongst fellow Caviteños. Thank you, Jeffrey H. dela Rosa, MD, FPPS (Medical Officer IV, City Disease Surveillance Officer).
Sa kabila nito, hinikayat naman ang publiko na sa halip mag-panic, maging alerto at maging malinis sa pamamagitan ng palagiang paghuhugas ng mga kamay at paggamit ng mask lalo at nasa pampublikong lugar at ang pag-inom ng vitamins at pagkain ng masusustansiya upang makaiwas sa mga sakit.





Comments