Eastern Samar, nilindol
Vyne Reyes
Jan 31, 2019
1 min read

NIYANIG ng Magnitude 4.9 na lindol ang baybayin ng Eastern Samar kahapon.
Natunton ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang epicenter ng lindol sa layong 59 kilometro ng Hernani, Eastern Samar alas-11:27 ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang Intensity II sa Palo, Leyte.
Tectonic ang origin ng lindol at wala nang inasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks at hindi rin umano ito magdudulot ng pinsala.





Comments