top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Cathedral binomba, mosque pinasabog | GIYERANG KRISTIYANO AT MUSLIM, ‘WAG — DIGONG

Jeff Tumbado
Jan 31, 2019
1 min read

MATAPOS ang personal na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Our Lady Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu kung saan 21 ang namatay sa pagbomba at nanawagan na ‘wag sana rito magsimula ang digmaan sa pagitan ng Kristiyano at Muslim, isang pagsabog naman ang naganap sa mosque sa Zamboanga City.

Bagama’t, posibleng personal umano ang motibo at walang kinalaman sa pagsabog sa Jolo, Sulu ang pagpapasabog sa isang mosque sa Bgy. Talon Talon, Zamboanga City, alas-12:00 ng hatinggabi.

Ayon kay Philippine National Police Region 9 Director Chief Supt. Emmanuel Licup, maaari lang umanong nakikisakay ang mga suspek sa pagsabog sa Jolo.

Gayunman, paliwanag ni Licup, hindi pa rin nila isinasantabi ang lahat ng anggulo sa insidente dahil hindi pa talaga tukoy kung ano ang pakay ng pag-atake at kung sino ang may kagagawan nito.

Ayon naman kay Lt. Col. Gerry Besana, taga- Basilan ang mga biktima at bagong dating lang sa Zamboanga City.

Mga religious leader umano ang mga ito na miyembro ng grupong Tabligh, isang sekta ng relihiyong Muslim. Ayon kay Besana, pakay ng grupo na magturo ng Islam sa mga kabataan sa lugar.

Samantala, pinangalanan na ng pulisya ang mga biktima sa pagsabog na sina Habil Rex, 46, at Bato Sattal, 47. Apat naman ang nasugatan na nasa edad 30 hanggang 67 at ngayon ay ginagamot nasa ospital.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page