6 NPA todas sa AFP

UTAS ang anim na miyembro ng New People’s Army (NPA) nang bakbakan ng mga sundalo sa Bgy. Lupi, Tinambac, Camarines Sur.
Ayon kay Captain Joash Pramis, nasa 15 rebelde ang nakasugapa ng tropa ng pamahalaan na naganap alas-6:00 ng umaga ng Huwebes.
Wala naman umanong nasugatan sa panig ng mga sundalo.
Narekober sa mga kalaban ang apat na M16 rifles, 1 grenade launcher at mga subersibong dokumento.
Bago ang engkuwentro, nakatanggap ng impormasyon ang militar na may presensiya ng mga armadong lalaki sa Bgy. Lupi kaya rumesponde ang mga sundalo.





Comments