2 tigok sa stampede sa Malaysia
NASAWI ang dalawa katao matapos ang free coupon event na nauwi sa stampede sa Malaysia.
Batay sa impormasyon, nahirapan umanong huminga habang naghihintay sa pila ang mga biktima na pawang nasa edad 78 at 85.
Bukod pa rito, may ilan ding hinimatay.
Napag-alaman na 200 coupons lamang ang naipamigay ngunit, mahigit 1,000 katao ang dumagsa, partikular sa indoor market ng Pudu District sa kabisera na Kuala Lumpur.
Ayon sa security guard, nakarinig siya ng sigawan hanggang sa nagtulakan na ang mga tao.
Gayunman, ayon sa management official, layunin ng event ang paghahanda sa Lunar New Year sa susunod na linggo.





Comments