Sa haba at tagal ng ginawa, Kim… XIAN AT LOUISE, 'DI PROUD SA TIKIMAN NILA

Nitz Miralles / BIDA

NAPANOOD namin ang short teaser ng love scene nina Xian Lim at Louise delos Reyes sa Viva Films at BluArt Productions movie na Hanggang Kailan. Ang haba ng halikan ng dalawa, mula sa nakatayo sila hanggang sa bed at siguradong mas mahaba pa sa actual movie ang love scene na ‘yun.
Ang theme song na Maling Pag-ibig na kinanta ni Marion Aunor ang background ng eksena na bumagay sa mood. Kaya pala ayaw ikuwento nina Xian at Louise sa presscon ang love scene, bukod sa ayaw nilang ma-preempt, hindi lang siguro sila komportable na pag-usapan ang eksena.
Tsinek namin ang socmed account nina Xian at Louise, hindi nila ipinost ang teaser ng kanilang love scene. Curious tuloy kami kung ipapapanood ba nina Xian at Louise ang Hanggang Kailan sa kani-kanyang dyowa nila?





Comments