top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Police patrol niratrat, 3 suspek utas

  • Levi Gonzales
  • Jan 30, 2019
  • 1 min read

KAMATAYAN ang sinapit ng tatlong kalalakihan matapos pagbabarilin ang police patrol sa Batangas.

Alas-3:30 ng madaling-araw, habang nagpapatrulya ang sasakyan ng Balayan, Batangas-MPS nang pagbabarilin sila ng tatlong suspek na sina Roberto Apego, 52; Alexander Canonoy, 35, at Rafael Montes, 29.

Agad silang nagsitakas kung saan nagkaroon ng habulan. Pagsapit sa Bgy. Sinisian, West Lemery, habang nagsasagawa ng buy-bust operation ang kanilang kabaro nang makorner ang mga ito. Roon naman nagkaroon ng engkuwentro hanggang sa tuluyang duguang bumulagta ang tatlo.

Narekober sa kanila ang 3 baril, mga bala at dalawang motorsiklo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page