top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Motor sumalpok sa sidecar | 3 AAKYAT NG LIGAW, PATAY

Paul Lamsen
Jan 30, 2019
1 min read

PATAY ang tatlong lalaki habang kritikal ang isa pa nilang kaibigan nang mabangga ng garong o tricycle na may sidecar ang sinasakyan nilang motor kamakalawa ng hapon sa Mangaldan, Pangasinan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Edmund Calaorio, Jerome de Guzman, Eduardo Hilario, malubha naman at ginagamot si Roberto Rosana, pawang mga nasa hustong edad, binata at mga naninirahan sa nabanggit na lugar.

Bandang hapon nang magkayayaan ang mga biktima na umakyat ng ligaw sa kani-kanilang mga kaklase lulan ng motorsiklo.

Pagdating sa pakurbadang daan, hindi nila napansin ang kasalubong na garong kaya sumalpok ang mga ito na sanhi ng kanilang pagtilapon sa gitna ng kalsada.

Agad namang tumakas ang drayber ng garong na siyang pinaghahanap ngayon ng pulisya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page